Hugot Post

"Ang buhay.. Simple lang yan."

Ulat ni Eingel Calayag



Let's get this straight (Wow). Ako yung tipong na tao na kapag nagkaroon ng problema, kung saan ko napuna yung problema, doon ko rin hahanapan ng solusyon. At sa lugar din na yun ay iiwanan ko ang problema ko para maging isang problema na lang na hindi ko dapat intindihin.

Sa madaling salita, hindi ko hinahayaan na ang isang maliit na problema ay makakasira sa buong araw ko. Nasasabi ko ito dahil ang buhay naman kasi natin, simple lang. Walang bagay na dapat gawing komplikado. Kaya lang naman nagiging komplikado, dahil ginagawa nating mga tao na komplikado. Yung tipong bubuksan mo na nga lang yung bote ng C2 mo pero ipapabukas mo pa sa iba kasi madulas kamo sa kamay mo. Pero sa totoo lang, yang bote ng C2 na yan ay parang mga problema nating mga tao. Kung hindi mo malutas, ipapasa mo sa iba para sila ang mamroblema. Pero sa katunayan, ikaw pa rin naman ang mamomroblema. Dinagdagan mo lang yung mga taong involved sa problema mo. Wag ganun! Gaya nga ng sinabi ko, simple lang ang buhay. Kaya wag nating intindihin ang mga bagay na hindi naman natin maiintindihan at wag na natin problemahin ang mga problemang ayaw magpahanap ng lunas.

Applicable rin naman itong bagay na ito sa ating mga nakaraan. Gaya ng nakalagay sa quotation sa itaas: "Bury your past. Let flowers grow where they lay." Ang ibig sabihin lang naman nito, hayaan mong mamunga ng mga magagandang bagay ang nakaraan mong hindi kaaya-aya na hindi mo na dapat binabalikan pa.

Comments

Popular Posts