I'm Awake!

"Wake Me Up When September Ends"
-Eingel Calayag


Alam niyo yung "Wake Me Up When September Ends" (Copyright Disclaimer)? So, doon ko kinuha yung title nitong blog post ko.

Marami kasing kadramahang naganap netong September kaya talagang tinulugan ko yung buong September. Nung October 1 lang ako nagising. (Okay, ang corny ko na. Titigil na 'ko.)

Basta, ayoko na balikan ang nakaraan. Dahil kapag binalikan ko pa ang mga nakaraan ay masasaktan lang ako (woah. #hugot). Pero siyempre, may mga times din na masayang balikan ang nakaraan dahil ito ang naging dahilan kung bakit eto tayo ngayon at tuloy pa rin sa pagsabak sa pagsubok ng mundo. (naks!)

Pero teka, ano nga ba ang i-chichika ko sa inyo dito sa blog post na 'to? Hmm. Wala naman kasi akong machika kasi wala akong lablayp. Hahaha. Based on observation na lang ang mga hugot ko. Ayoko rin namang antukin kayo sa pagdiscuss kung ano pinag-aralan namin sa school. I mean, that's so uncool!

Siguro, gusto ko lang talaga magparamdam sa inyo since isang buwan rin naman akong hindi nagpaparamdam tsaka bihira na lang ako magpost dito. Naadik rin siguro kasi ako masyado sa Tumblr kaya doon ako madalas nakakabuhos ng sama ng loob ko. Hindi naman sa marami akong sama ng loob. Konti lang. Tsaka ano ba naman ang sama ng loob ko, hindi ba? The problem may be big but I have a bigger God. Yun ang palagi kong inaalala sa tuwing may mga trials eh. :)

Also, napapansin ko rin na maraming bumibisita sa blog ko na ito pero hindi na ako nakakapag update. Sa kung sinuman ang mga taong 'yon na bumibisita dito, thank you! Don't ya' worry, guys.. Andito na ulit ako! ^3^

Comments

Popular Posts