Para sa mga Bitter (Tagalog)
BITTER WARNING 101:
Ang mga nakalahad sa blog post na ito ay hindi para sa mga in love, blooming, taken, contented at sa mga may kasintahan. Baka kasi masaktan lang kayo sa mga nakasulat, sugurin niyo pa 'ko dito sa bahay ko. Wala namang ganun ha? Ito ay isang pang-katuwaan lamang at pansariling paniniwala sa mga bagay-bagay. Hindi ito nakabase sa kahit anumang research. Sa akin lang mismo. Kaya kung naghahanap ka ng facts, wag dito. Wala kang mapupulot na maganda. Lalo na kung tungkol sa pag-ibig. Wala akong masasabi na maganda diyan. Kaya nga ako binansagan na Reyna ng mga Bitter at Sawi dahil nga mismo doon. Wala akong masabing maganda sa love. Meron man, may kalakip ito na 'loophole'.
This post is prescribed for the broken-hearted and for the bitter and unsweetened. Lalong lalo na para sa hopeless romantic this Valentines' Day... Or should I say, Singles' Awareness Day.
Pebrero Labing-Apat, Dalawampu't Labing-Apat
"Ang Mala-Ampalayang Melodrama"
♥Mula sa Dakilang Reyna ng Kapaitan♥
Ang araw na ito ay Biyernes.
Bakit parang ang daming excited sa araw na 'to?
Kailangan pang ipagkalat na may nagbigay ng bulaklak sa kanila? Undas na naman ba at nagsisibigayan ang mga tao ng bulaklak sa mga puntod o sa mga mukhang puntod?
O baka naman Pasko ulit? Dinaig pa yata sa sobrang daming nagtatanggapan at nagbibigayan ng regalo eh.
Importanteng importante rin bang i-broadcast na may 'date' kayo ng isang tao diyan sa araw na 'to? Ano naman sa amin yun? Ikauunlad ba 'yan ng Pilipinas? Malulunas ba ang global warming kapag nalaman naming pumunta kayo sa kung saan at nagpapakasweet sa isa't isa habang nagsisilapitan mga langgam sa inyo?
At bakit nagsusulputan na naman ang mga taong kagaya ko? Yung mga pinaglihi sa ampalaya sa sobrang bitter. At mga mahilig magmukmok at magpost ng mga bagay-bagay (tulad na lang ng ginagawa ko).
Ano ba talaga meron sa araw na 'to?
For all I care, today is a simple Friday. Yes. Nothing more. Nothing less. Well, maybe, masasabi ko na Araw ng mga Bitter ngayon. At baka masabi ko rin na Singles' Awareness Day ngayon. Pero para masabi ko na Valentines' Day ngayon? Pwe! 'Wag na lang.
Para sa akin, ang Valentines' Day ay isang araw para ipaalala sa mga single kung gaano sila kakulang at kung gaano kadaming opportunities ang namimiss nila dahil sa kanilang pagiging single.
So what? At least, busog kami. At least, nag aaral kami nang mabuti while ang mga taken at 'in a relationship' na yan.. Mga nagsisibagsakan na ng grades at wala nang ginawang tama kung 'di maglakwatsa kasama ang jowa.
Oo. Napaka judgemental ko para masabi ang lahat nang 'yon, pero kung isasa- statistics natin ito, maaaring ganito ang kalalabasan:
Kaya kahit papano naman, hindi ako ganun ka-harsh. Mayroon lang talagang sadyang nagpapabaya nang dahil sa pag-ibig na yan. At mayroong sumisipag dahil dito pero kahit papano, sapat na sa akin ang busog, masipag at mag-isa.
Speaking of 'mag-isa', may maganda akong kwento kalakip ang salita na yan. Ayon mismo sa pangyayari na nangyari sa aking buhay ngayong araw ng mga bitter.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng main gate, nakita ko na yung mga nagtitinda ng bulaklak. Pagkakita ko pa lang sa kanila, pawang naduduwal na ako sa kinauupuan ko sa loob ng ma-aircon naming kotse. Natural na sa akin na maduwal (o baka masuka pa) sa lagay na yun. Wala eh. Bitter.
Nang nalagpasan ko na ito at pumasok na ang kotse namin sa tapat ng eskwelahan, lumabas na ako. Sinubukan kong pigilan ang paghinga ko. Gaya kasi ng sinabi nila sa tuwing sasapit ang araw na ito: "Love is in the air". Ayoko namang makasinghot nito. Baka mawala ako sa trono ng pagiging bitter.
At doon na mismo nagsimula ang mood ko para magpakabitter. Binati pa nga ako ni Manong Guard ng "Good morning" sabay "Happy V_______!" na hindi naman niya usually ginagawa every morning. Dahil dun, natawa ako. Hindi naman yung malakas. Yung parang na-chuckle lang ako.
Pagkadating ko naman sa mismong tapat ng kwarto namin ay ramdam na ramdam ko na ang lamig ng simoy ng hangin na pinapainit ng mga taong nagsisipagsweet-an sa isa't isa. Hindi ko na lang ito pinansin dahil hindi ko naman nararamdaman ang init ng pag-iibigan nila. May sarili silang pwesto sa campus at may sarili rin ako. Pumunta ako sa bridge na kung saan kami ng mga kabarkada ko ay nakikipagkwentuhan tuwing umaga. Nagkataon lang ngayon, nauna ako sa mga kaibigan ko kung kaya't naisipan kong magpakasenti at magbasa ng libro dito.
Sa tuwing napapatingin ako sa ibaba (dahil nga nasa bridge ako), may mga nagsisidatingan na may dala dala na regalo at may mga wala naman at napapatingin sa akin. Okay lang. Sanay naman ako na mag-isa at pinagtitinginan ng ibang tao na para bang akong alien sabay sinasabi nila: "Anong ginagawa ng taong yun doon nang ganitong umaga sa araw mismo ng Valentines'?". Di ko alam kung talagang sinasabi nila yun pero malakas ang feeling ko dito.
Di nagtagal, dumating na rin ang mga kaibigan ko. Nakipagpustahan pa nga sa akin na may matatanggap daw ako na regalo o kung 'di naman, greetings mula sa crush ko. Confident na confident naman ako na wala akong matatanggap kaya pumayag ako. Kapag bumati siya o may binigay siya, wala lang. Nakatanggap lang ako. Kapag hindi, may libreng Milo ako galing kay Dianne at may libreng choco crinkles ako kay Christine.
Sa buong araw na ito ay hindi na ako nag expect. Ngunit nagpakasweet naman ako nang konti at ginawan ko ng super cute na Valentine greetings card, nung recess namin, si Mrs. Aldea--Ang kinagigigilan ko na Math teacher dahil sa sobrang CUTE! Todo effort talaga ako sa paggawa ko ng card para sa kanya. Kung anu-anong kabaliwan pinagsusulat ko na nilagyan ko pa nga 'to ng pick up line:
Take note: Handwritten pa yan! With matching caricature niya. Although wala na akong kopya nung caricature na dinrawing ko dahil na sa kanya na ang nag-iisang kopya. Yes! Binigay ko talaga sa kanya.
Nung time na yun, sinasagutan namin yung Math Probe namin. At hindi ko na natiis at pinabigay ko na sa mga tao sa harapan ko since kahalera lang rin naman ng row namin ang teacher's table.
Nang matanggap niya ito, nung una, nagtaka siya. At nang tinanggap niya ito at binuksan, unti-unti kong nakita ang ngiti sa kanyang mukha. Laking tuwa ko talaga nun na abot tenga na yata ang ngiti ko. Habang binabasa niya ito at tinitignan ko ang ekspresyon sa mukha ni miss, nakikita din ng iilan sa row namin. Lalong lalo na si Ytem na nagpasimuno ng pag-a "aww". Sa katunayan, ito ang nagpabuo sa araw ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na bitter ako, nabuo ang Valentines' day ko dahil kay Mrs. Aldea.
Nang tapos na basahin ni Mrs. Aldea ang greetings card na ginawa ko para sa kanya, tinago niya ito sa loob ng bag niya. Natuwa pa ako nang sinabi ni Ytem: "Ife-Frame yan ni miss!" na sana, totoo. Ito rin kasi ang unang beses na nagbigay ako ng isang greetings card para sa teacher. Sana nga, i-frame niya!
Matapos namin i-check ang sinasagutan namin kanina na Math Probe, sinabi niya sa amin na gumawa ng kahit anuman na dapat tapusin sa araw na 'yun. Kaya naisipan kong gumawa na rin ng greetings card para sa mother dearest at father dearest ko. Nang matapos na ako sa paggawa nito ay napagtripan kong gumawa ng isa pa. Ngunit hindi ko alam kung kanino ko ibibigay at hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Sa lakas lang talaga ng trip ko yun. Hindi ko sinasadya. Out of boredom, kumbaga. Pero sa sobrang boredom ko, biglang out of nowhere, naisipan kong ialay ito sa crush ko. Si Mr. Grey. Kay tagal na rin nang huli ko siyang nabanggit sa inyo, noh? Kaya eto.. Nabanggit ko ulit siya sa hindi malamang dahilan. Natapos ang Math period namin. TLE na.
Nang makita ako ni Aubrey na ginawa ko ito, kinuha niya ito sa akin at tumangging ibigay ulit sa akin. Sinasabi niya sa akin na ibibigay daw niya ito kay Mr. Grey. Nang sinabi niya ito ay nagmakaawa ako na 'wag niya ito ibigay dahil nakakahiya at wala akong ka- effort effort nung ginawa ko ito. At naisip ko rin na wala rin naman siyang gagawin sa greetings card na yun. Kumbaga, all in all, I thought that it was trash. Trash that was made from the heart. Wait, NO! Trash that was made out of boredom. Dahil hindi ko naman talaga sinadya na gawin yun. Pero nagawa ko na. At hindi nagtagal ay nagtatangka na rin si Aubrey na ibigay na talaga ito. Noong inagaw pa nga niya sakin ito at tinangka kong kunin ulit, dumaan si Mr. Grey sa labas ng room namin eh! Nakisali na rin si Pamela Pampi sa kagustuhang ibigay sa kanya ang card. At nalaman ko na seryoso na talaga sila sa pagbigay dito nang magpaalam si Aubrey kay Ate Kate para lumabas ng kwarto.
Naging hudyat ito para bantayan ko ang back door ng classroom namin. Kung sino ang papasok at kung sino ang lalabas. Hindi naman ako nahirapan. Ngunit lingid sa kaalaman ko na kaya pala hindi makalabas si Aubrey ay dahil sa nasa labas pa si Danielle at hindi pa nakakabalik. Nang may biglang kumatok sa likod ko, binuksan ko ang pinto para kay Danielle. Nagpasalamat na lang ako at hindi napansin ito ni Aubrey. Ngunit nang napansin na nga niya, nagpupumilit siya na lumabas. Subalit hindi ko siya pinapalabas. Mangiyak-iyak na ako nang tumigil na muna si Aubrey. Sinabi ko na sa kanya na papayag ako basta't sa uwian nila ibibigay at hindi muna during TLE period.
Hindi nagtagal ay pinipilit na talaga ni Aubrey na makalabas siya. Dumating na rin si Pampi at nagpupumilit na rin na lumabas. At dahil sa maraming pangyayari na naganap, nakalabas sina Aubrey at Pampi. Nang nakalabas na sila ay napatakbo na lang ako sa sulok ng classroom sa may bintana, sa tabi ng locker at nag-walling sabay pagmumukmok sa lapag. Pawang nagmukha akong nabaril at hindi na makatayo sa aking posisyon. Nakita ako ni Dianne na ganito at tinawanan lang ako. Kapag best friend nga naman!
Inaabangan ko ang pagbabalik nila Pampi at Aubrey. Sa hindi ko malaman na dahilan, hindi sila bumalik agad-agad. Napakatagal pa yata bago sila dumating. It's either inaantay ko ang oras habang lumilipas o dahil matagal lang talaga sila bago ibigay yung card. Nang nakabalik na nga sila, mas lalo akong nagmukmok at dumiretso sila sa kinamumukmukan ko. Marami silang sinasabi nang sabay sabay sa kung ano ang nangyari. Habang nagaganap ito, napatayo ako at pumunta sa kabilang gilid ng locker at doon naman nag-walling sa gilid ng bulletin board namin sabay sabi: "Hindi ko na keri, 'teh!" dahil sa hindi ko na talaga kinakaya ang mga pangyayari.
Nang matapos ang isang buong araw, halo-halo ang nararamdaman ko. Naghalong saya, tuwa, kalungkutan, pagkabitter, hiya at kamukmukan.
Sinasabi ko na nga ba na hindi maganda ang bitter day eh. Kahit sa bitter mismo ay may tinataglay na kahit konting sweetness pa rin. Itutulog ko na lang 'to. Babye!
Comments
Post a Comment