Post title (Tagalog)
The Zing
"For a Zing only happens once in your life."
(February 27, 2014)
Wala namang masyadong nangyari ngayong araw na 'to. Nag report lang naman kami nung Filipino period namin at bigla SIYANG dumaan sa labas ng room namin habang AKO yung nag eexplain ng aral sa Aralin 25 ng 'Florante at Laura'. Yung aral pa naman sa kwento, 'Oras lang ang makakapagsabi kung kailan ang tamang panahon para sa mga bagay-bagay'. O di ba? Yun yon eh. Dahil sa oras na yun, napagkasunduan nila na panahon yun para dumaan siya sa harap ng room namin sakto na ako rin naman lang yung nagdidiscuss doon sa SAKTONG aral. What a coincidence?
At nung uwian na, akala ko, tatantanan na ako ng tadhana. Hindi pa pala. Pinaglaruan pa ako. Kasi naunang umalis sila Dianne, Chesca and Ronna. Kasama ko na lang si Catherine tsaka yung kapatid niya, si Cutie. Bigla namang bumalik sila Dianne at biglang hinihila nila ako na sumama sa kanila. Sa hindi ko malaman na dahilan ay nakutuban kong nandoon SIYA. Tutal, awkward ang pagkilos nila kaya medyo nahalata ko na rin kahit papano. Nung hihilahin na nila ako, bago pa humigpit hawak nila sa akin, bumitaw na ako at sinabing: "Ah, sige. Babye!!" at napaalis ko naman sila. Yehey.
Nagkaroon lang ng problema kasi nung umikot kami ng clockwise, nakasalubong na namin yung isa pang kapatid ni Catherine, si Kevin. At umikot ikot kami sa buong campus hanggang sa naisipan naming pumunta sa kweba (comfort room sa ilalim ng hagdan). At nang makalabas na kami dito ay sinabi ni Catherine na kukunin lang daw namin yung gamit nina Cutie tsaka Kevin sa mga tiled benches sa harap ng kinder. Kaya dumaan kami dun sa passage na kung saan madadaanan mo ang prayer room. Nang padaan pa lang kami, sa kalayuan pa lamang ay natatanaw ko na siya. Nagbibigay siya ng instructions sa mga kagrupo niya habang inaayos niya pataas ang buhok niya sa harap. Ang galing talaga niya na leader. Napapakinig niya yung mga kagrupo niya sa mga instructions niya. Samantalang ako, ni hindi ko nga mapatayo para mag practice ng isang round ng line-throwing. Hanga ako sa kanya. Malamang. Kaya ko nga siya crush eh. So ayun na nga. Nung dumaan na kami nang tuluyan (at sinusubukan kong umiwas tingin sa kaliwa dahil dito sila nakapwesto) sa pwesto nila, biglang may tumawag sa akin na sinabi: "Eingel!". Nagulat ako at napatingin ako sa kaliwa. Akala ko ba naman, siya. Yun pala si Paloma. Nag- "Hello" naman ako with matching kaway. Napalingon naman SIYA at bumalik ang tingin sa mga kagrupo. Nakatingin pa din sa'kin si Paloma na nakangiti. Naglakad na kami paalis habang si Catherine ay pabulong na kinikilig(?). Pagkadating naman namin sa tiled benches sa harap ng kinder ay kinuha na nila Cutie at Kevin ang mga bag nila. Nag stay kami sandali dito habang may kinausap sila na kakilala nila (pero hindi ko kilala kaya OP ako). Maya maya ay naisipan na nilang umalis. Siyempre ako, sasama ako. Saan pa ba ako pupunta, di ba?
Eh di, dumaan na naman kami sa dinaanan namin kanina. Pabalik naman ang direksyon namin. This time, hindi na ako tinawag ni Paloma. PERO.. Tinawag ako ni Kirsten. "Eingel.." na medyo pabulong na nagsalita. Lumingon ako dahil lumagpas na rin kami nang konti at kinawayan ko siya. Tinuturo naman niya SIYA habang nakatingin pa rin ako. Nilabas ko lang ang dila ko at nagbelat sa kanya habang nilihis ko ang aking tingin.
Pagdating namin sa Gate 1 ay umalis na sila Catherine at mga kapatid niya. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kaya naisipan kong dumiretso na lang sa bridge. Nakita ko dun si Duabe at sina Glaizel at Faith. Paweird effect naman itong si Duabe na tawa nang tawa na parang walang bukas. At natatawa rin ako sa tawa nito dahil kakaiba ang tono ng tawa niya. Maya maya naman ay pinakielaman ni Duabe ang buhok ko. Lahat kasi ng buhok ko ay nakababa sa harap ng kaliwang balikat ko. Tinanong nito kung ba't ganun ang buhok ko at hindi daw bagay. Kumuha siya ng iilang strands ng buhok mula sa buhok kong nakalatag sa harap ng kaliwang balikat ko at nilagay naman ito sa harap ng kanang balikat ko. Para equal. Mas cute daw kasi.
Hindi nagtagal ay naisipan ko na rin namang umalis at magparaya (haha, joke). Papunta na ako sa Gate 4 since mas malapit na ito puntahan para umalis kaysa sa Gate 1. Bago pa man ako tuluyang nakalabas ng school ay may tumawag na naman sa'kin. Si Kirsten na naman. Sinabihan niya ako ng "Nice one!" sa hindi ko malaman na dahilan. Tuluyan na rin naman akong naglakad papalayo hanggang sa nakalabas na ako ng gate ng school.
Comments
Post a Comment