Diary ng Panget :)

"Ang Tunay na Panget"

Kapag nakikipaglaro nga naman ang tadhana, nakakatuwa. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakatagpo ako ng isang sinehan na may malaking poster ng "Diary ng Panget The Movie". Eto naman ako at nag ala- fangirl at nagpapicture nang maraming maraming beses sa poster na ito. Yung poster talaga nagdala. Ito yung poster na tipong gusto mong iuwi at i-display sa kwarto (kahit na walang mapaglagyan. Kahit sa kisame na lang. May space pa naman don).


Nakakatuwa naman talagang isipin na matapos ang isang araw na mapanuod ko nang paulit-ulit ang full trailer ay agad-agad na pinagbigyan ako ng tadhana na makita ang poster na ito kinabukasan.

Sa katunayan, hindi ko kaagad napansin ang poster. Ang una kong napansin na poster ay para dun sa sine na "Rio 2". Nagpapicture rin naman ako doon pero hindi yun ang pinupunto ko ngayon. Matapos kong magpapicture doon ay pumunta kami ng dalawa kong kasama sa may escalator na sira habang hinihintay pa namin ang daddy ko. Paikot-ikot naman ako at sobrang malikot dahil nahyper ako. Kakatapos lang rin kasi namin kumain ng manok sa Chowking noon. Biglang pumasok ulit sa isip ko ang "Diary ng Panget The Movie" dahil kinukwento ko sa mommy ko at sa lola ko habang hinihintay ang daddy ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napalingon ako sa may second entrance. Sa tabi nito ay isang malaking poster ng mismong pelikula na pinagkakaabalahan kong kwentuhin. Agad-agad kong sinabi sa mommy ko na picturan ako doon.

Matapos kong magpakuha ay kinuhanan naman ni mommy ang poster na hiwalay. Na wala ako sa litrato.


Matapos ito gawin ng nanay ko ay may naisip siyang magandang ideya. Kung pwede lang naman daw ay ako ang tumapat sa arrow na nakaturo kay Eya.. Kung gayon ay ako na ang bagong "panget" na nagsulat ng "diary". Natuwa rin naman ako sa ideyang ito at isinagawa namin.


Ito ang unang litrato. Panget ko, 'no? Siyempre. Ayun ang point ng pagturo sa akin ng arrow e. Natuwa naman masyado ang aking inay at kinuhanan ako ng isa pang beses.


Eto naman ang pangalawang litrato. Wala akong maisip na pose. Kirat pa nga mata ko. Pero okay lang.. Mas naipakita ang "panget" na sinasabi ng poster. Nang makita ko ang parehong litrato ay natawa ako at nagpaulit ng isa pa na matino naman ang itsura ko.. Pang Profile Picture sa Facebook, kumbaga.


Narito na ang kinalabasan ng huling litrato. Sinabi naman ng nanay ko sa pagkakataong ito, "Panget ba 'yan? E ang ganda ng ngiti mo!" ngunit binalewala ko lang ang sinabi niya at tinawanan na lang ito.

Maya't maya at pauwi na kami ay naisipan kong i-edit ang isa sa mga litrato para maging kaparehas ng itsura ni Eya sa poster. Ginawa ko ito sa loob ng sasakyan. Ginamit ko ang isang App sa iPhone ko na nakakapag edit ng mga litrato. Nang matapos na ako ay natuwa ako sa kinalabasan:


Naglalaro ang mga kaisipan sa utak ko.. 
"Ang panget ko naman dito!"
"Ang galing naman ng pagkaedit ko!"
"Kamukha ko na kaya si Eya? Teheehee.."
"Magustuhan na ba ako ni Cross? Yiie haha. Asa naman ako." 

Marami talagang pumapasok sa utak ko no'n dahil sa aliw ko sa gawa ko. Nang mapag-isipan kong i-post ito sa Facebook at sa Twitter ay inedit kong muli na katabi naman ang litrato ni Eya (Nadine Lustre). Natuwa na naman ako ulit sa nakita ko...


Medyo na- achieve ko na rin, hindi nga ba?
Pagkauwi ko naman ay nakachat ko ang isa kong kapwa-manok (kapwa fangirl na hinahangaan si Kuya Marcelo Santos III) na si Arselyn Bagual. Sinabi niya sa akin na may DNP Caravan sa April 4. Gaganapin ito sa Trinoma. Laking galak ko talaga at hindi umabot sa mga araw na wala na kami sa Pilipinas at nasa Korea na! Natuwa ako at sinabi ko kaagad sa mga magulang ko. Sinabi naman ni daddy na pupunta kami kung wala siyang meeting sa trabaho niya. Kaya ngayon pa lang, ipinagdasal ko na kaagad na wala silang meeting sa araw na 'yun. Friday pa naman yun! Pwedeng pang- family day na rin! At sinabihan ko na rin si Joanne at si Catherine. Si Catherine ay pinag iisipan muna habang si Joanne ay hindi pa nakakapagreply. Hayy. Sana matuloy kami sa araw na yun. Para sa mismong araw na rin na yun ay manunuod na kami ng pelikula.

Kayo rin ba?

Manunuod rin ba kayo?

Tara!

Sabay na tayo! :)






Comments

Popular Posts