Room Sweet Room

Summer Cleaning :)
(March 23, 2014)

Nag ayos at naglinis ako ng gamit ko sa loob ng kwarto.
At ikinagagalak kong sabihin sa inyo na successful ang ginawa kong paglinis sa sarili kong kwarto. Ang dami kong nadiskubre, as in! Mga bagay na hindi ko inakalang meron ako. Hahaha! Kahit kayo pa maglinis, di niyo aakalain na marami akong mga gamit. Kung kaya't nung nilinis ko ito ay inayos ko na rin. Yiie haha. Eto oh.


Ganito ang itsura ng kwarto ko matapos ko itong linisin at ayusin. Pagbukas mo pa lamang ng pinto ay ito na agad ang mabubungad mo. Oo. Ang dami ko ngang mga kung anu-ano. May mga posters, bag, gitara.. Kung tatanawin mo mabuti, may mga secret compartments pa ako. At may book shelf at marami pa.. Kaya sa pagkakataong ito, hahayaan ko kayong sumaliksik at kumilala sa akin sa pamamagitan ng pagkilala ninyo sa kwarto ko at ang mga nakapaloob dito. Tara! Saan niyo gusto magsimula?

Bed

Ito ang super flowery ko na bed.
Sa totoo lang, ayoko yung bed sheets ko. Kaso, kulang sa budget kaya pagtitiisan ko muna 'to. Pati yung kurtina, pinagtitiisan ko rin. Ayoko kasi ng pa-girl na kwarto. Kaso, babae ako. Ineexpect ng mga magulang ko na gusto ko 'to. Kaya, nakiki cope up na rin ako sa environment na ganito.


Nandiyan nga pala yung bag ko na araw-araw kong ginagamit sa school (nung may pasok pa). Andyan din yung poster ng "Fall Out Boy" sa may unan ko. May pagbibigyan kasi ako. Haha! Andyan din naman yung favorite ko na stuffed toy. Si Bathoven. Kung hindi mo siya mapuna kung sino, yung aso po yun. Hindi yun star. Haha. Bantay ko lang yung star. Tigatupad ng mga wishes ko. Kumbaga, nirerepresent niya si God. (Naks haha. Star na nga lang, naging diyos pa). At kung matatanaw ninyo nang mabuti, makikita niyo yung bag tag ko na may litrato ni Kuya Marcelo Santos III. Idol ko po 'yan! :) At sa gilid nito ay ang mini library ko! Pakita ko sa inyo? Ayoko nga. Joke! Dun na ang susunod natin na destinasyon..


Mini Bookshelf

Ito naman ang isang pwesto sa kwarto ko na sobrang proud akong ayusin at ipakita. Ito ang mini library ko. Mini bookshelf, to be exact. Dito nakalagay ang mga nabasa (at babasahin pa lang) na mga libro ko. Oo. Mahilig ako magbasa. Ever since the world began talaga..



Kung mapapansin ninyo, kung anu-anong anik-anik ang nakalagay sa mga shelves. Hindi lang libro. 'Di ba? Lahat kasi 'yan, may meaning para sa akin (yiie haha) at bawat isa niyan ay may istorya. Ngayon, kung iisa-isahin ko lahat nang iyan, ewan ko kung umabot tayo sa dulo.. Yung mga specific na lang siguro ieexplain ko. :)

Una, yung Hello Kitty na pamaypay sa itaas. Nung nag aayos kasi ako ng gamit, nakita ko yung supot na pinaglagyan ko ng mga nagbigay ng regalo sa'kin nung Pasko sa school. Hindi ko pa nabubuksan mga regalo ko up until nung araw na naglinis ako, actually! Haha. Iilan lang yung nabuksan ko na.. Pero di ko pa rin ginamit. So ayun na nga. Isa yan sa mga binigay sa'kin. Malaking tulong nga naman dahil sa init ng panahon.

Pangalawa naman ay yung mga certificate at medal na nakaframe. Ang mga certificate na iyon ay konektado din naman sa medal. Yung certificates kasi is for recognition at attendance. Yung medal yung place ko dun sa competition. Yiie haha. Rank 2 ako sa Pagsulat ng Lathalain, Division Level. Sayang nga nung Nationals, hindi ako nanalo. Masyado nang maraming matalino! :P

And last but definitely not the least, yung ballpen/fan na color purple (yung parang bear yung itsura hihi). You see, sa school tuwing Bibliarasal namin, mahilig ako magsharing. Eh, sa first Bibliarasal namin nitong Grade 8, nag volunteer ako na magsheshare. Ehh.. Natuwa siguro adviser namin kaya binigyan ako ng regalo.. 'Yang fan nga na yan na ballpen! Hihi! Ngayon, super special niyan kasi next school year, wala na yung adviser namin na 'yon. :( Kukuha daw kasi siya ng masters degree chuva ekek. :) Mamimiss ko siya, sobra! Kaya palagi ko siya maaalala tuwing makikita ko yang fan sa shelf ko. ^_^

Ngayon, I have other special things dito sa shelf na ito.. May picture nga ako with those special things eh.. Here they are:


Yes. Once in my life, I became a Directioner. Though now, I'm not anymore. But I still like their songs and listen to them sometimes on the radio. To be honest, I was PREVIOUSLY a die hard fan of One Direction.. But.. It just kind of faded away. I don't know. No offense to the Directioners out there. Basta.. Deep down inside me, I will always be a Directioner. Pero hindi lang sa kasalukuyan. :)


This naman is "The Time Keeper" by Mitch Albom. It's by far his' best work that I've read. Super laking impact niyan sa buhay ko. It made me stop wearing a watch. Hihi. I'll talk about that certain book on one of my posts some time or another. :)


This one naman was a Christmas gift. Very helpful dahil sa init ng panahon dito sa Pilipinas. Wahahaha. :)


Closet (with posters!)


This is my poster collection. Dinikit ko lahat ng posters ko sa closet ko para agad-agad na mapapansin pagkapasok ng mga guests ko sa loob ng kwarto ko. Hihi. At hindi lang basta basta ang mga dinikit ko na posters diyan. Gaya ng lahat ng precious sa akin, lahat yan ay may meaning. Wahahaha! Ang hilig ko sa captions and meanings, 'no? :) Pero this time, hindi ko na iisa-isahin. Ipapakita ko na lang sa inyo ang up close views ng mga posters na 'yan. Para makapag fangirl or fanboy rin kayo.. Kung may iniidolo kayo diyan! :)







At dahil nakita niyo na rin lang ang labas ng closet ko, ipapakita ko na rin sa inyo ang loob nito with matching pictorial. Hihihi! :)



Oo. Alam ko. Ang weird ko! Hahaha! Nagpapicture ako na nasa loob ako ng closet ko. -_- Wala na kasi ako ibang maisip na pose. Haha. Okay. Ano gusto niyong ipakita ko next? Stuff toy collection ko? Let's go! Haha.


Stuff Toy Collection

Eto na! Ang hilig ko sa stuff toy, 'no?
Dami kasing nagreregalo sa'kin. Though naaappreciate ko naman since.. Gaya ng sinabi ko.. Mahilig nga ako sa stuff stoy. Kaya kung sakaling gusto niyo 'ko regaluhan, stuff toy or books ha? Hahaha!



Nothing special to brag about here. :)




THE END :)



Gugustuhin ko pa sana na magdagdag ng kung anu-ano pang chuva ekek kaso.. Baka makasakop ako ng mas maraming days kaysa nito. Baka akalain niyo na hindi ako active. No. That's not what happened. Super busy lang dito sa nag iisang post na ito. xD

Ayuuuun.. So, sana natuwa kayo sa post na ito.

At sana natuwa kayo sa ayos ng room ko. (lol)

Sana din, maisipan ninyong ayusin din ang kwarto ninyo kapag nagkataon. HAHAHA.




Comments

Popular Posts