#VERYWorthIt #DNPCaravan

Best & Most Memorable Lakwatsa of 2014!

Detail by detail kong ieexplain ang pagpanuod namin ng Diary ng Panget. At kung paano kami kinilig at natuwa sa palabas na ito. (Hindi lang sa palabas! Pati dun sa mall show! Kyaa! SAYA MAGING FANGIRL/FANBOY! Try ninyo po minsan! Hahaha :D)

Diary ng Panget
"Movie Watching & Caravan"

Kasama ko pong lumakwatsa dito sina Joanne Panaligan, Peter Rolloque, Dianne Jimenea, Sophia Pascual at Chesca Robles. Ako po talaga ang may kasalanan kung bakit kami lumakwatsa ngayon. Kung hindi dahil sa'kin, wala kaming hangover hanggang ngayon. Hahaha!


Magsisimula ako sa pagkagising na pagkagising ko pa lang nang umaga. Nag alarm kasi ako ng 6:30 am. Magkikita kasi kami sa KFC nang 8:30 am at aalis kami ng 9:00 am. Kahit na 12 midnight ako natulog kagabi, siyempre, maaga pa din ako nagising kinabukasan kasi super excited ako para sa araw na ito. Ang araw na ito ko kasi makikita ang future husband ko.. Si James Reid! (wahahaha, ang lakas ng trip ko, I know. xD) Joke lang! Si Ate Nadine ang WIFE nun eh. :)

So ayun na nga. Nagprepare ako and all that. Ang saya-saya ko at super excited na talaga ako makaalis. Hindi lang kasi basta-basta ang paglakwatsa namin na 'to. First time ko din na pumunta sa mall na hindi ko kasama ang parents ko. (WAHAHAHA. YES! I'm freeeee!) At ito ang farewell lakwatsa ko dahil sa Monday, fly away to Korea na kami. (Aww. Don't worry. Makakaupdate pa rin naman ako dun. Haha!).

After ko naman magprepare ng lahat-lahat, umalis na kami ng bahay at dumiretso na kami ni Mom sa KFC, Malabon. Dun na rin kami nag breakfast since maaga pa naman nung dumating kami. Kumain ako ng longsilog. Yum yum! At, take note! May LIBRENG PANCAKE to go with it! Hurray! Hahaha! Matapos ko naman kumain, kinulit-kulit ko na yung mga kasama ko na hindi pa rin dumadating. Si Joanne ang unang dumating after me. And, to my surprise, nakapalda rin si Joanne.. JUST LIKE ME! Hindi ko inasahan, I swear! Haha. Sa sobrang tuwa ko na nakapalda si Joanne, tinext ko 'to kay Chesca na bigla na ring dumating kasama si Dianne. Natuwa rin naman sila sa maong na palda ni Joanne. Wahaha. Just like me! Teheehee! At doon na kami nag plano ng mga gusto naming gawin mamaya. At the same time, sinusubukan din naming macontact si Peter at si Pia (through her dad, kasi wala siyang cp). Sumagot naman ang dad ni Pia at sinabi na malapit na sila. Si Peter nga lang ang ayaw sumagot. Sa tawag at sa text. Kinabahan nga kami kasi baka hindi makasama si Peter.. Pero in the end, nakasama rin siya! Pagkadating pa nga niya ng KFC, halatang inaantok pa siya kasi hindi pa masyadong awake ang sleepy eyes niya. Hahaha.

Maya maya ay hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa.. Umalis na kami. Sumakay kami sa Innova (red) nila Pia. Sa likod kami pumwesto nila Peter at Joanne habang sila Chesca, Dianne at Pia naman ay nasa harap. Adrenaline talaga ang peg sa'min sa araw na 'to. Super excited talaga naming lahat! Sa sobrang excited nga namin, naki-earphones pa ako kay Joanne kasi on-replay ang "No Erase" nila Nadine at James sa tablet niya. Pero di rin nagtagal at inantok ako. Kaso, hindi rin naman ako nakatulog nang mahimbing. Nagkwento na lang ako kay Peter ng mga hinanakit ko sa buhay. Haha. Buti pa si Joanne, nakatulog! Hahaha. Nang magising naman kasi si Joanne, saktong nasa Trinoma na kami. Magpapark na lang.

Eto nga pala ang isang kuha ni Peter sa loob ng kotse na sinusubukan niyang matulog: (Pero hindi nagwork xD)



Nang nagpark na kami sa fourth floor parking, agad agad kaming lumabas lahat. Nag uusap pa rin naman kami ni Peter non kasi nga, hindi pa tapos yung kinukwento ko (Secret na lang yung kinukwento ko. Masyadong personal :]). At nang makapasok na kami ay hinayaan na kami ng mga parents ni Pia na pumunta sa kung saan namin gusto. Pababa sana kami para hanapin ang event circle nang "madaanan" namin ang Comic Alley. Medyo "nadaanan" lang naman namin at kami ay nagpatuloy sa aming paglalakbay papunta sa event circle. Haha.

Pagdating namin sa event circle ay agad kaming pumila para makakuha ng tickets sa sinehan pati na rin para sa Caravan. Habang nakapila pa rin kami ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagkukwento ko kay Peter habang kumukulo na ang dugo niya sa kinukwento ko (Hahaha! Clue: Tungkol sa isang tao. Yun lang!). Habang nagkukwentuhan naman kami ay -siyempre- may sariling mundo rin ang iba pang girls! Excited na daw silang makita sila Ate Yassie, Ate Nadine, James Reid at Andre Paras. Yung ibang pinag-usapan nila, hindi ko na naintindihan kasi hindi na ako masyadong nakinig. Hahaha. Nang nasa unahan na kami ng pila, bumili na kami ng tickets at pumasok na kami ng Caravan. Nang magpipicture na kami ay nagulat ako dahil nakalimutan ko pala ilagay yung battery ng DSLR camera namin! xD Napakasaklap! Pero okay lang kasi may tablet naman ako and iPhone (at nagkaroon din naman yun ng magandang outcome afterwards.. Bakit? Secret! Mamaya na lang! Ipagpatuloy mo pagbabasa mo! Hahaha).

Eto yung stinamp sa kamay namin: (If ever gusto naming lumabas at bumalik.. Hindi ko kasi napicturan yung movie ticket or yung Caravan ticket eh. :/)



10:45 AM. Naisip na rin naman namin na gamitin na ang gift card namin para manuod na ng movie since ang first movie showing ay 11:55 AM at ito naman talaga ang plano namin. Kaya ang ginawa namin, umalis muna kami ng Caravan (dala-dala ang yellow ticket namin) at dumiretso sa Cinemas. Pagdating namin dito ay may pila pero maiksi lang naman. Nagkaroon pa nga ng maliit na problema since PG13 yung movie. Pero in the end, nasolve na rin naman namin yung problem. 11:00 AM. Nakakuha na rin kami ng tickets at naisipan naming magmuni-muni muna sa loob ng Trinoma. Naglakad-lakad kami sa mga hallways ng sinehan para tingnan yung mga posters etc. sa labas ng cinemas. Matapos ang konting lakad-lakad ay natagpuan namin ang Taters na kung saan, bumili sila Dianne ng popcorn. Kami naman ni Pia, bumili kami ng Lemonade (Grape flavor) sa paborito niyang pagbilan nito. (Nakalimutan ko yung tawag sa shop eh xD). At umupo muna kami saglit sa mga seats sa Taters. 11:20 AM na. Nag- group pictorial muna kami sa tablet ko.

Eto yung pinakamatinong picture namin: ( :D )



After naman namin kumain nang konti at magpictorial ng maiksing panahon, naisipan na rin naming pumasok sa sinehan. 11:45 AM. Pumunta na kami sa pwesto namin dito. O12-O17. Nakaupo ako sa O12. Sa mabuting palad, wala akong katabi. Si Pia lang, sa kaliwa ko. Yehey! Nagmuni-muni kami nang konti sa loob ng sinehan habang nagte trailer ng ibang palabas. Pinag-usapan namin ni Pia ang tungkol kay James Reid. Kung gaano siya kagwapo at kung gaano kami kaexcited na makita siya mamaya. Pati na rin si Andre Paras. Nang tuluyan nang magsimula ang movie ay hindi ko mapigilang matuwa nang sobra sobra.

Napakaraming kilig moments. Napakaraming nakakatawa na moments. At medyo may mga drama moments din na napaiyak ako nang sobra (pano, tinamaan ako. Hahaha!). Naguluhan lang ako ng konti sa mga ibang parte dahil nagtaka ako kung nabasa ko nga ba 'to noon.. Pero in the end, naalala ko din naman. All in all, super naenjoy ko yung movie! Ito yung movie na tipong hindi mo malilimutan at hindi mo makakaget over -an kahit na subukan mo pa. Eto yung movie na mapapanaginipan mo pa kahit sa pag-uwi mo. Hinding hindi mo talaga siya basta-basta mabubura sa utak mo. This I swear! :)

Pero ang tunay na nagpaindak sa'kin nang sobra sobra is yung SOMETHING sa last part ng movie. Ito talaga yung hindi ko malilimutan KAHIT KAILAN! Ayoko namang i-spoil ang mga nagbabasa nito sa kasalukuyang panahon kaya panuorin niyo na lang para malaman ninyo. :D

1:55 PM. Pagkalabas namin ng sinehan ay hindi pa rin kami makaget over sa napanuod namin na movie.. Yung parang gusto naming bumalik sa loob ng sinehan dahil sa sobrang ganda! Pero siyempre, we've got a schedule to keep. Haha. Pati si Peter, he felt the fuzzy feeling in him sa sobrang kilig and ganda nung movie. Okay, back to the story. XD Since tapos na kami manuod nung movie, as told on my schedule, kakain na kami sa food court. Also, kukunin na rin namin ang shirts and pins na inorder ko from MGFs (dahil miyembro na rin ako ng official fan group ni Kuya Marcelo Santos III nang hindi ko sinasadya).

Pagdating namin ng food court ay nagpasama ako kay Dianne na hanapin si Ate Mara para ma- claim ko ang inorder ko. In the end, nakita namin siya, kasama ang dalawa pang MGFs. Nakakatuwa pa nga kasi naalala niya ako from my post sa FB group na pupunta ako ng Korea. Hihihi! Nakipagbiruan pa nga siya ng konti sa'kin before we left eh. :)

Pagkabalik naman namin sa pwesto namin sa food court ay nagkaroon kami ng mga kanya-kanyang mundo. Sila Dianne, Pia and Chesca ay kumain ng pasta habang si Joanne & Peter ay kumain ng DQ. Ako naman, hindi ako kumain. Wahaha. Busog pa kasi ako non. Nasa tiyan ko pa yung longsilog ko nung umaga. XD Nang tapos na magsikain ang mga ito ay nagsipag- GM sila. Si Joanne naman, nagpasama sa'kin sa CR. 2:50 PM (?). Nagpasya kami na pumunta na sa Caravan. Sila Joanne, Chesca at Dianne ay pumunta na muna sa National Bookstore bago pumunta sa Caravan.

3:00 PM. Nakarating na kami sa event center at nakabili na rin kami ng official soundtrack ng Diary ng Panget sa Caravan (kami ni Pia). Yiiie! Ang saya! Feel na feel ko yung binili ko na OST kahit na hindi ko pa pinapatugtog. Haha!

Habang nag aantay naman kami ay tinatawag-tawag na namin sila Joanne, Chesca at Dianne para makapasok na rin sila.. Bago pa mapuno sa pwesto namin. Hindi naman naglaon ay nakatagpo si Peter ng VIVA Films na mga nag iinterview. At sa tabi naman namin ay nakatagpo rin siya ng MTV na nag iinterview. Nang makita ko ito ay nakita ko ang opportunity ko na mapakita sa TV kaya medyo nagpapansin kami dun sa nag iinterview. Hahaha! Lumalapit-lapit kami sa tabi ng iniinterview na hanggang sa matapos ito. Nang natapos na ang take nila ay bigla naman akong kinausap ng nag iinterview. Tinanong niya sa akin kung pwede ba daw ako interview-hin. Dinamay ko naman si Pia dito at parehas kaming ininterview.

Ito lang naman ang mga sinabi namin (ayon sa pinapasabi ni Miss Interviewer).. Kaso, hindi sakto sa talagang sinabi namin:

"Team Cross kami!

Ang gwapo mo, James! We love you!
Ang laki ng abs mo at ang hot hot mo!

Natataranta na~
Natataranta na~
Natataranta na~
Natataranta na~

Panuorin niyo po yung Diary ng Panget!
Hinding hindi po talaga kayo makakaget over pagkatapos niyo 'to panuorin! Hanggang panaginip, maiisip niyo pa rin ang Diary ng Panget! Dahil din sa sobrang gwapo ni James Reid dito at napakagrabe talaga ng movie na 'to! Hinding hindi kayo makakaget over!
Manuod na po kayo.. Diary ng Panget po!"

After naman nito ay napaisip ako bigla, "HALA?! ANO KAYA ITSURA KO?! HAGGARD BA AKO DITO?! KAILAN MAPAPANUOD YON?! ANO MGA PINAGSASABI KO?! MUKHA AKONG TANGA! HUHUHU. T__T". Hindi naman ako nag iisang nagluluksa dahil si Pia rin naman ay nag aalala sa mga itsura namin sa interview na iyon. Sana naman, mapanuod ko ang exposure ko na yon! Hahaha! At maging ticket ko yun to stardom. Lol. :D Ang taas ng pangarap ko. Mehehe!

3:30 PM. Nagsimula na ang event proper. Dumating si Thyro at si Yumi (na ang siyang nag compose ng "No Erase" at may sariling mga kanta sa OST). Sila ang nag host nung simula. Kumanta rin naman sila nung mga kanta nila sa OST ng DNP.



Mayroon ding mga video. To be uploaded sa YouTube soon.
(Yeees! Umaasenso na ako. May video na! Hahaha)

Matapos naman sila ay kumanta rin naman si Donnalyn Bartolome ng kanyang kanta sa OST. Hindi ko nga alam na may kanta pala siya dun eh. Hahaha! Pa'no naging posible? xD By the way, mayroon din akong video nun. Abangan niyo lang din!

At siyempre, hindi rin naman magpapatalo ang mga casts ng Diary ng Panget. Nag perform din sila. At siyempre, ako ang dakilang tiga-video kaya navideohan ko almost lahat ng ginawa nila. Kahit na hirap na hirap akong makipagsiksikan sa mga taong nasa harap, gilid-gilid, at likod ko. Worth it naman kasi nakikita ko up close ang mga casts kapag umiikot sila sa loob ng circle. Yiiie. Hihihi! Eto yung ilan sa mga pictures nila na medyo low quality (mula sa tablet ni Joanne. Thank you, Joanne! :]):


LorHad is love. Yiie.


~~~


Langgam mode din naman ang nais nila Cookie Monster at Cookie Bear! Team Eyoss forever!

~~~


Eto naman silang lahat singing Rocketeer!

~~~

Siyempre, hindi naman tayo magpapatalo sa mga ganyan, ano po? :) May Meet&Greet with the cast, of course! Kaya nga kami pumunta dito eh! Para magpapirma at makipag usap na kahit sandali lang. Hahaha. Kaya ayun! Rambulan kami papunta sa harap dahil sa sobrang excited na makapasok. Ang ginawa ko lang talaga sa mga pagkakataon iyon ay isalba ang Official Fan Magazine na ipapapirma ko. Pati yung OST na binili ko kanina. Ito kasi yung mga ipapapirma ko sa kanila mamaya kapag dumating ako sa harap. Hahaha! Ang saya ko, di ba? Mas inintindi ko pa talaga yung ipapapirma ko kaysa yung sarili kong kalusugan. XD

Nang makaraan na rin sa pagkarami-raming fans ay nakadating na ako sa harap na mismo ng stage. Natanaw ko na kaagad yung apat na pagpapapirmahan ko ng dapat ipapapirma ko. Si James Reid, si Nadine Lustre, Yassie Pressman and Andre Paras! Ang puputi at ang kikinis nila, super! Halatang artista dating nila! Nang makaakyat na ako sa stage para maging turn ko na, hinanda ko na talaga ng bonggang bongga ang sarili ko. Nang makarating na ako sa mismong table, agad-agad akong nagsalita kay Andre bago pa mahuli ang lahat.

"Hi, Andre! I'm Eingel!" sabay shake hands sa kanya. Ang laki ng kamay niya! Wahahaha! Siyempre, basketball player! Sa UP pa yan! Waahhh!

"Hi, Eingel! Did you watch our show?" sabi niya sa'kin. Uwaaa! Habang nagpipirma siya. Teheehee..

"Yes, I did! And I enjoyed it very very much!" sabi ko naman. Jusko. Napa English ako nang 'di oras. xD

"Oh! You should plan on watching it again." sabi naman niya.

"I'm planning on watching it again tomorrow!" sabi ko naman nang pabiro. Ta's natawa siya. Waahhh. Yung cute niya na tawa. Weee! :3

Pagkatapos naman ay slinide ko yung pinapirma ko kay Ate Yassie. Grabe, ang ganda niya! Napa- "Hi, Ate Yassie! Ang ganda mo po!" lang ako. Natuwa naman siya. Yiie. Haha!

After ay si Ate Nadine. Sabi ko rin naman: "Hi, Ate Nadine!!" at ngumiti siya sa'kin. Kyaaa!

At ang pinakahinihintay ko sa lahat sa kanila.. Ang future husband ko.. Este! Ni Ate Nadz.. Si Reid! Wahahaha! James Reid, to be exact. He was like, "Thank you.. Thank you.."  and I was about to pick up my things pero naisip ko na i-grab ko ang opportunity na ito at tinanong ko: "Can I kiss you?". Wahaha! Ta's nakipagbeso beso siya sa'kin. With matching huuuuug! UWAAAA! At nakaalis na ako. Napahiya pa ako konti dahil nahulog pa yung poster ko na nakaipit sa magazine ko. xD

In the end, lahat kami.. HINDI KAMI MAKAGET OVER. xD Other pictures ohh:













Comments

Popular Posts