After ASDFGHJKL :) ~ Tagalog

"Ang Kinatatakutan ng Karamihan"

Ulat ni Eingel Calayag
(FICTIONAL na may halong katotohanan)



"In love, the one who runs away is the winner."
Bilang pagpapalawak dito sa saloobin na ito, bibigyan ko kayo ng maganda at maiksing kwento na nakakonekta sa saloobin na yan pati sa buhay ng mga taong magbibigay ng kanilang mga kwento sa blog na ito.

Ang mga pangyayari sa kwentong ito ay kinatatakutan ng karamihan, lalo na ng mga tinatawag na hopeless romantic o ang mga taong lubos kung magmahal at palaging naghahanap ng pagmamahal. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagiging sawi sa pag-ibig at pagbalik muli ng nawalang pag-ibig. Simulan na natin sa isang babaeng magnanarrate ng kwento niya. Go na!

---

Hello! Ako po si Secret. :)
Ayoko na pong banggitin ang pangalan ko dahil hindi na po yun kailangan. Basta sisimulan ko na yung kwento ko. Okay? Okay.

"Namiss kita. Sobra." sabi niya.

Teka, teka! Parang masyado yata akong napafast forward dito ah? Magfa flashback mode muna ako para mas magets ninyo ang sitwasyon ko.


<"/e=flashback*[8063710]"> 


"Pwede bang manghingi ng konting panahon?" 

Konting panahon daw ba? Konting panahon para ano? Para maglakad? Magjogging? Mag exercise man lang? Anung pinagsasabi ng nilalang na ito na panahon?

"Hindi ko maintindihan." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga kailangan natin ng konting panahon. Naguguluhan pa kasi tayo ngayon. Hindi natin naiintindihan pa ang mga bagay na dapat nating intindihin.." aray! Diretso tusok sa puso ko. Pero siyempre, hindi ko yun pinakita. Matatag ako 'no.

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo." sinabi ko. "Pero hindi ibig sabihin nito, di tayo pwedeng maging kaibigan, 'di ba?"

"Oo naman! Besides, masaya kang kasama eh."

"Sige. :)"

"Oh siya.. Aalis na ako. Ingat!" 

Umalis na siya. Anung nagawa ko? Nagparaya lang naman ako ng isang taong alam kong mahal na mahal ko. Isang taong hindi ko alam kung kaya kong mabuhay nang wala siya. Oo na. OA na kung OA. Pero mahal ko talaga siya. At dahil nga mahal ko siya, pinaraya ko siya. Alam ko kasing sasaya siya kapag ito ang ginawa ko eh. Kaya ito na rin ang ginawa ko.

Pagkauwi ko ng bahay, nakatanggap ako ng isang text mula sa isang taong hindi ko inasahang magtetext agad agad pagkauwi na pagkauwi pa lang niya.

Hey! 

Si Blank. Yep. Ayoko banggitin pangalan niya, pasensya na. Tanggapin niyo na lang sa puso't isipan ninyo na Blank ang itatawag ko sa kanya buong pagkakataon na ito. At dahil nag text siya, ang sama ko naman kung hindi ko replyan, hindi ba?

Po? 

Feeling bata lang naman ako at nagbibigay galang sa nakakatanda. >:)

Makapag- po naman nito. Magkasing edad lang tayo. 

Ahh, ganun pala yon. K. Hahaha. Pero siyempre, hindi yun yung sinabi ko. Eto ang sinabi ko sa kanya...

Mas matanda ka po, kuya. 

Makapag- kuya naman ako, wagas. HAHAHAHA. (Oo. Tama ang basa ninyo. May "HAHAHAHA". Intense pa dahil all capital letters. Wala lang. Nakikiuso, I guess?) Alam niyo naman na mabait ako kaya nagbibigay galang ako sa mga matatanda eh.

Okay po. Gawa mo? 

Eto. Nagluluksa at nanghihingi ka ng space pero ikaw mismo ang ayaw lumayo. Tss.

Wala. Ikaw? 

Umay naman nito. Parang ayoko na siya kausapin. Hindi naman sa pagiging bitter pero parang wala kasi ako sa mood na makipag usap sa kanya lalo na't kanina, nakausap na nga niya ako.

Wala lang din. Hahaha. :) 

Tawa pa. After non, hindi na ako nagreply at hindi na rin niya ako ginambala. Bigla naman akong tinawag ng mga magulang ko at sinasabing mag a out of town daw kami this summer. Tamang tama! Kailangan ko rin naman mag move on sa sakit ng dibdib ko na 'to. And based on my researches, para makapag move on ka, gawin mo mismo ang iniimply ng bagay na yun. Ang mismong paggalaw. Pag move on. Move away from the place that hurt you.

Nakalipas ang isang buwan namin sa bansang Japan at halos hindi ko na naiisip ang mga pangyayari na nangyari sa amin ni Blank. Napakagandang way nga naman na pag move on. Ang mismong paggalaw from one place to another. Pero siyempre, after ng one month na yun ay balik sa dati. Balik sa Pilipinas. Ewan ko lang kung balik rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Bahala na.

Pagkauwi naman namin ng Pilipinas ay ramdam ko ang tinding init ng simoy ng hangin. Take note, gabi kami dumating sa Pilipinas at napakainit sa loob ng airport. Pa'no ba naman, hindi binubuksan yung aircon dahil nagtitipid daw yung airline. Ang saya, 'di ba? Magmula nung nakauwi kami galing sa Japan ay nangiba ang pananaw ko sa mga iba't ibang bagay. Kumbaga, sa isang website, narefresh at naupdate na ako. Alam ko na ang dapat at hindi ko dapat na gawin the next time na may mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko ninanais na mangyari pero nangyayari pa rin. Hanggang sa isang araw, kinausap ulit niya ako. Pinamumukha niya sa akin na okay na siya. Na hindi na ako ang 100% na nasa puso niya. Okay lang. Alam ko namang hindi ko masasakop ang 100% sa puso niya kahit noon pa lang eh. Baka nga 30-50% lang ang nasakop ko dun eh. Pero okay lang talaga. Tanggap ko naman eh.

Matapos ang pag-uusap namin na yun ay hindi na kami nagkausap ulit. Hindi ko na siya kinakausap at hindi na rin niya ako kinakausap. Pero siyempre, mapagbiro ang tadhana. Malapit na ang pasukan at nakapag enroll na ako. Ilang araw ang nakalipas matapos nito ay nagkatagpo kami sa isang kanto malapit sa bahay namin. Nagkausap kami sa dating tambayan. Kila Aling Nena.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin habang hinigop ko ang sabaw ng lugaw ko mula sa kutsara na hawak ko.

"Okay lang." nasaktan mo lang naman ako noon at nakapag move on na ako pero eto ka na naman ngayon. Okay lang ako. Promise.

"Nga pala, kamusta love life? Mayroon na ba?" tanong niya sakin. Wow. Sa tingin niya, magkakalove life pa ako? Ayoko na nga eh. Mas gusto ko na magfocus sa school at mga projects this year kaysa intindihin yang bagay na yan.

"Change topic!" sinabi ko sa kanya.

"Di nga, meron na?" kinulit niya ako.

"Change topic." sinabi ko ulit nang medyo seryoso na.

<///flashback.ended=>


"Namiss kita." sinabi niya. Napatigil naman ako sa pag-kain. "As in, sobra ah. Palagi kitang namimiss."

"Oh?" binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "Ako din. Namiss kita." 

Mahirap man aminin pero namiss ko naman talaga siya. Hindi ko nga lang siya madalas naisip noong mga panahon na sinusubukan kong kalimutin siya. Pero gaya nga ng sinabi ng mga tao diyan sa paligid mo, first love never dies. Natatago lang pero hindi namamatay. Hard, 'di ba? So ayun. Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa humantong sa isang topic na kakaiba at hindi pangkaraniwan naming pinag uusapan.

"Secret, may pag asa pa ba tayo?"

"Pag asa saan?"

"Yung.. TAYO?"

"Ewan ko.."

"..."

"Baka..?"

"Pero sa tingin mo?"

"Oo, siguro. Everyone deserves a second chance, ika nga. Hindi ba?"

"..." 

Hindi kami nagsalita sa isa't isa sa pagkakataong iyon. Bigla na lang tumunog ang cell phone ko at tinatawagan na ako ng nanay ko para kumain na. Umalis na ako at nagpaalam kay Blank. Tinanguan naman niya ako at unti-unti nang naglaho ang paningin ko sa kanya.

At sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa ako sigurado sa mga bagay-bagay. Kaya isasantabi ko na lang 'to at ipagpapatuloy na lang ang buhay ko.


---

At doon lang nagtapos ang kwento ni Secret. And no, hindi ko alam kung ano ang naging desisyon nila ni Blank. Kung tinuloy ba nila ang pagiging "sila" or hindi. Kayo na lang ang maghusga dahil kung ako pa ang manghuhusga, baka ayawan niyo yung kwento.

Nga pala, konektado yung kwento sa quote sa itaas, hindi ba? Ang taong tumakbo palayo ang siyang panalo. Dahil siya rin naman ang hinabol matapos ang pagkakataon.

Yun lang, maraming salamat po! :)

Comments

Popular Posts