Goodbye July. Hello August. :)
Jazzy but Jaded July! ;)
-Eingel Calayag
~~~
Ngayong July 2014 ay maraming mga bagay na dumaan at nagdaan na medyo ikinagulo ng isipan ko. Kumbaga, naglalakad ako ngayon sa isang daan na hindi ko sigurado kung malinaw ba ang nakikita ko. Yung tipong naiwanan ko yung salamin ko sa bahay kaya kailangan kong harapin yung buhay nang walang salamin at medyo malabo-labo ang aking paningin.
Sa kabila ng mga bagay na ito ay, siyempre, tuloy pa rin ang buhay. Maraming mga bagay na aking natutunan on the way. Alam niyo naman... Mga words of wisdom na nanggaling sa mga pinag-aralan at mga quotes na galing sa aming mga magagaling na teachers. At dahil dito, ito ang mga ipapahayag ko sa blog post ko sa araw na 'to--mga natutunan ko ngayong month of July.
~~~
Morals of My Story (July):
- Narealize kong hindi dapat natin madaliin ang mga bagay na hindi naman dapat minamadali. Katulad na lang rin ng nararamdaman ng isang tineydyer na tulad ko towards sa isang tao na baka magustuhan ko. Hindi ako agad-agad na mag ju jump into conclusions towards sa isang lalaki na "Ay! Love ko 'to. Siya na ang makakasama ko sa panghabangbuhay ko." dahil naniniwala ako na mas marami pa akong makikilala sa future (most likely, sa college) at tsaka ang weird ko naman kung hinahanap ko kaagad ang future husband ko, 'di ba? Also, hindi rin minamadali ang isang gawain, katulad na lang ang isang project sa school. Kailangan mong mag take up ng time mo para maging maganda at maayos ang project na gagawin mo. Hindi yung tipong magawa lang nang mabilis at makapasa ng maaga yung iniintindi.
- Natutunan ko rin naman na hindi naman kawalan ang walang love life sa mga panahong ito. Kung tutuusin, mas okay pa nga na wala kang love life kasi wala kang ibang iintindihin besides ang pag-aaral. Kaya kapag tapos na yung mga gawain pang- paaralan, pwede na lang ako mag chillax. At hindi ko na rin iintindihin kung online ba si Crush or what dahil wala na akong crush! Wooh!
- Masaya tumambay sa library mag-isa. Kasi kapag nasa library ka ta's wala kang ibang kasama, makakasakop ka ng isang buong mesa. Wala naman kasing tatabi sa'yo na ibang grupo ng mga tao mas lalo na kung busy ka sa pagbabasa, katulad ko. On the one hand, walang makakaistorbo sa pagbabasa ko. On the other, nakakahiram din ako ng mga libro nang walang kaagaw. Ang nakakainis lang minsan, may mga pupunta sa library para lang magpalamig. Ta's mag-iingay pa sila habang ikaw, tahimik na nagbabasa.
- Kapag birthday mo, babatiin ka. Pero kapag hindi mo sinabi, hindi nila malalaman. Nakakatuwa pa rin naman kasi kahit na hindi aware yung ilang mga teachers namin, nung sinabi ko naman, todo bati sila sa akin! May matching beso pa and hug.
- Hindi dapat ako magpakaemo dahil lang sa mababa ang grade ko sa ganito ganyan or whatsoever. Ganyan talaga ang buhay. May mga ups and downs na kailangan pagdaanan bago maabot mo ang mga pangarap na gusto mong abutin 'pag nagkataon.
- Mas okay manghingi ng advice sa lalaki kahit na minsan, hindi sila matinong kausap. Pero sa mga pagkakataon naman na machechempuhan mo, makakatulong rin naman pala sila sa problema mo. Lalong lalo na kung gusto mo maglabas ng sama ng loob na hindi mo masabi sa iba--kahit sa mga best friends mo. Ko pala. :)
- Nakakatuwang makahanap ng librong kuhang-kuha yung sitwasyon mo. Ta's pagkatapos mong basahin, gusto mong basahin ulit at pakaingatan yung mismong libro para walang ibang makabasa o makasira nung mismong libro. Kasi ikaw na talaga yung tinutukoy nung libro, hahayaan mo pa ba na mawala 'to sa mga kamay mo? Hindi 'no!
- Kahit na hindi mo nakikita o nakakasama araw-araw ang mga kaibigan mo o yung mga taong nagpapasaya sa'yo at itinuturi kang kaibigan, hindi mo pa rin maipagkakaila na handa ka pa rin nilang tanggapin kahit na hindi ka na nila madalas na nakakasama (for some reasons na kasama ang academics).
- Wala kang ibang maaasahan kung 'di ang sarili mo. Yung mga tao sa paligid mo, kumbaga sa isang pelikula, ay mga supporting actors lang. Yung mga nagpapaangat sa bida, yun yung mga tao sa paligid mo. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay magmamayabang ka na dahil ikaw ang bida sa sarili mong kwento. Lahat naman kasi tayo, bida ng kanya-kanya nating kwento kaya hindi mo na kailangan ipamukha sa iba yung bagay na 'to. At tsaka ikaw rin naman, supporting actor ka sa kwento ng ibang tao kaya 'wag kang masyadong proud na bida ka sa kwento mo. Kagaya ko na lang, hindi ako naniniwala na ako ang bida sa sariling kwento ko dahil kahit na pinipilit ko na maging bida, ako pa yata yung nagiging kontrabida sa sarili ko.
- Marami kang dapat tanungin sa sarili mo na, hindi mo man sagutin ngayon, ay dapat sagutin mo sa tamang panahon. Katulad na lang ng "Bakit ako nabubuhay sa mundong ito?" o 'di kaya naman, "Kaya ko pa bang mabuhay sa mundong ito?" nang sa gano'n ay malalaman mo na rin kung saan mo gustong tumungo sa buhay mo.
.
~~~
Amazing yet Annoying August!
-Eingel Calayag
~~~
Dahil August 1 ngayon ay kailangan ko na ring i-welcome ang bagong buwan na ito. Ninanais ko lang naman para sa buwan na ito ay hindi ako mahirapan (kahit na hindi naman natin 'to maiiwasan) at sana maging mabait sa akin ang August month. Alam kong hindi ko naman maaalala bawat detalye ng month na ito at hindi ko naman iintindihin lahat ng problemang dadating sa buhay ko sa buwan na 'to pero siyempre, kailangan ko rin naman pahalagahan ang bawat segundo ng buhay ko in general.
Sinasabi nga nila, lalong lalo na sa picture sa itaas nitong paragraph na ito, ay sa bawat isang minuto na galit ka ay nawawalan ka ng sixty seconds of happiness. Kaya kada segundo sa buhay nating lahat ay dapat nating pahalagahan, mas lalo na kung may galit ka sa isang araw o isang pagkakataon. Dapat maging masaya ka kaagad after ng mga, siguro, five seconds para hindi masayang ang buong araw mo. Sana lang talaga, maging masaya ang August ko. Ang August nating lahat pala. :)
Comments
Post a Comment