MMK: Mali Kong aKala


Umuwi kami galing sa isang birthday party kanina at naabutan ko pa ang iilang mga parte ng MMK ngayon. Sa katunayan, nagkamali ako dahil ang buong akala ko, walang MMK ngayon. Eh, bigla kong naalala na Sabado pala ngayon kaya meron pala! Hindi ko masyadong naintindihan yung plot kaya tinext ko yung kaibigan kong si Ronna para siguraduhin kung tungkol saan ba yung story nung MMK ngayong araw na 'to. Ang sabi naman niya sa'kin, tungkol siya sa pagiging heartbroken.

Pero ano nga ba ang pagiging heartbroken? Eto yung nagmahal ka nang sobra sobra sa isang taong hindi ka naman sigurado na mahal ka rin ta's malalaman-laman mo na lang na may mahal siyang iba at masasaktan ka. At 'yong sakit na yun ay mailalarawan bilang isang baso ng tubig na punong puno ng pagmamahal. Ibibigay mo siya sa isang taong gusto mong pagbigyan pero instead na kunin sa'yo ay hinayaan lang niya na mahulog ito. Kapag nabasag, matatapon din yung pagmamahal na nakapaloob dito. At kapag nangyari 'yon, wala nang matitira para sa'yo. Kaya, payo lang, 'wag mo munang ipagkatiwala ang pagmamahal mo sa ibang tao kasi hindi ka naman makakasiguro kung pakakaingatan ito ng taong pagbibigyan mo.

Sa kalagitnaan ng panunuod ko ay nadiskubre kong kasama pala si Francis Magundayao sa MMK ngayon. Bakla ang role niya dito. Natext ko naman si Ronna tungkol dito at naisip namin kung ano ang magiging reaksyon ng isa pa naming kaibigan na si Kate G. kasi idol na idol niya si Francis. Naisip namin na magagaraan siya sa role niya since hindi naman siya nakasanayan na panuorin bilang bakla.

Pagkabukas ko naman ng Facebook ko, na- maling akala kami ni Ronna dahil iba ang reaksyon ni Kate G. Nag message siya sa amin at sinabing ang cute nga ni Francis sa MMK dahil sa role niyang bakla. Ouch. Maling akala.

Matapos no'n ay nalungkot si Ronna dahil palagi na lang daw siya namamaling akala simula kahapon pa. Ang sabi ko naman, okay lang 'yon. At tsaka lilipas lang din naman yun. Ngunit ano nga ba ang maling akala na yan? Yun yung akala mo tama yung naiisip mo  o sinasabi mo pero yun pala, hindi. Iba ang tama sa mali at iba rin ang mali sa tama sa inakala mo. Kaya 'wag tayong mapapadala sa mga maling akala na 'yan kasi minsan, nakakasakit ang mga bagay na ganyan.

Comments

Popular Posts