A Short Fictional Anecdote
"Uwian"
-Eingel Calayag
"Ayyy!" "Habulin mo, dali!" "Ano ba naman 'yan! Hahahaha!" Hinahabol namin ngayon ni Merri ang kanyang lumipad na pamaypay. Yung pamaypay kasi niya yung pabilog na ginagamit rin na pang saucer. Habang hinahabol 'to ni Merri, natatawa na lang ako. Muntik rin kasing lumusot sa canal yung pamaypay eh. Buti na lang hindi. Kung 'di, laughtrip talaga 'to. Napatigil naman ako sa paghahabol dun sa pamaypay nang makita ko siya. Oo. Siya. Tumigil na naman oras ko. Nawala ang lahat sa paligid ko. Siya lang ang nakikita ko. Biglang bumagal ang oras habang papalapit siya sa akin. Kasama niya ang barkada niya ngunit unti-unting kumalas ang mga kaibigan niya sa tabi niya habang papalapit pa rin sila. Napatingin lang ako sa kawalan.. Pero hindi sa kanya. Basta lang sa kawalan. Unti-unti siyang lumalapit. Ayoko siyang tingnan. Baka mahalata niya na gusto kong makita rin siya na nakatingin, kung sakali. Lumalalim ang aking paghinga at hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Hindi rin ako maka focus sa pwede kong gawin. Ang lapit-lapit niya sa side ko habang yung mga kaibigan niya, nakalayo sa kanya. Naninikip ang dibdib ko at nag-iinit ang paligid ko. Bigla na lang, as if on cue, tumalima sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Nakatali buhok ko kaya walang wavy flying hair effect. Napatingin ako saglit sa kanya pero agad kong tinanggal ang aking tingin. Bakit ba kasi ang pupungay ng mga mata niya? Nakakatunaw, grabe. Ayan na. Sobrang lapit na talaga niya. Habang papalapit siya, hindi ako gumagalaw. Hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako. Nakatayo at umaasang mapapansin niya ako. Pero pakiramdam ko naman, nakikita na niya ako since nakatingin siya sa'kin habang naglalakad siya papalapit. Nasa may harap ko na talaga siya. Eto na. Nararamdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko. Unti-unting nagkatamaan ang kanang braso't balikat naming dalawa na para bang sinasadya niyang bungguin ako. Actually, hindi naman bunggo kasi hindi naman harsh. Parang nagkatamaan lang yung gilid na parte ng katawan naming dalawa. Bumagal talaga oras, grabe. Sobrang tagal para sa akin ang pagtamaan namin sa isa't isa. Hindi ko alam. Nabingi pa nga ako. Wala akong marinig na kahit anong ingay. Nang unti-unting napalayo ang braso't balikat niya sa braso't balikat ko, tuluyan nang bumalik ang bilis ng oras. Pero kahit ganun, nararamdaman ko pa rin sa aking braso't balikat ang kanyang presensya. Eto yung nakakainis yet nakakakilig na pakiramdam that you would want to last forever. Yung tipong nagkaroon kayo ng panandaliang connection na hindi mo maintindihan. Yung kahit na hindi kayo nagkausap o nagkamustahan pero alam niyo sa isa't isa na konektado ang kung anumang iniisip niyo sa paglipas ng panahon. Ewan ko ba! Tuluyan na siyang nakalayo. Pero siyempre, hindi ko naman palalampasin ang pagkakataong ito at nilingunan ko siya. Eto yung mga pangkaraniwang ginagawa ng mga nasa movies kapag namamaalam na lang sila. Lilingon. Mapapatingin. Lilingon din siya at mapapatingin. At tingnan mo nga naman ang pagkakataon, oo! Pagkalingon ko, nakalingon siya! Take note: Nakangiti pa siya. Yung tipong ngiti na mapupunit na yung bibig niya. Kitang kita pa yung ngipin niya kahit na sobrang layo na niya sa kung saan ako nakatayo. Hindi na siya hiwalay sa barkada niya habang naglalakad at magkakasama na silang naglalakad na isang halera. Hindi naman nagtagal at nakaalis na sila nang tuluyan. "Merriiiiiiii! Dumaan sila! Waahhhhh!", pagwawala ko naman. "Sino? Sino? Sino ba kasi 'yang sinasabi mo?!", tanong naman niya sa'kin. "Si anoooo.. [Prinsipe]", binulong ko kay Merri. "Yun ba?! OMG! Yun pala yon!!", sinambit naman niya. "Oo! Yun nga!", sabi ko naman. "Juskoooo! Bunggo pa more kamo!" "Uyyy! Namumula ka!", pang-aasar naman ni Merri. "Hindi kaya!" "Oo kaya!" "Hindi kaya!" "Dyane, 'di ba namumula si Iris?", tanong ni Merri kay Dyane. "Oo! Namumula ka, girl!", sabi naman ni Dyane. "Ano ba 'yaaaaan!" ToT sabi ko naman. "Dahil kay [Prinsipe] 'yan 'no?", tanong ni Dyane. "Eh, binunggo niya ako eh! Huhuhu.", sabi ko naman. At dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko mapigilang kiligin. Siyempre. Crush ko siya. Sino ba naman ang hindi kikiligin no'n? Urgh! Kaya ayokong magkacrush eh! Ayokong makaramdam ng ganitong bagay. Masyadong masaya. Ayoko ng sobrang saya. Kasi baka sa huli, umasa na naman ako at mauwi lang sa wala. T^T After kong maglabas ng kilig moment para kumalma ako, nauna na kami ni Merri lumabas kasi sabi niya, may tutor pa daw siya. Sumunod rin namang umalis sila Dyane dahil gagala pa daw sila. Pagdating namin sa labas ng gate ay nakita ko na naman si [Prinsipe] na kasama pa rin yung mga kabarkada niya sa tapat ng isang karenderya. Hindi naman siya gano'n kalayo. Dumiretso lang kami ng lakad ni Merri at dumaan siya sa tutor house para ibaba yung bag niya. Bumili kami sandali ng mango shake. Nilibre niya ako, eh. Yay! At nang pabalik na kami sa tutor house nila Merri, napatingin ako kay [Prinsipe] at napalingon siya sa akin. Urgh! Bakit pa siya lumingon? Hindi na lang sana siya lumingon! Pwede bang i-undo yung moment na 'yon? Bumagal tuloy ulit yung oras. Nabingi na rin ulit ako. Ta's di ko malaman kung anong gagawin ko. Buti na lang, nilihis ko yung tingin ko para hindi pa kami mag take forever ni Merri para mahatid ko siya sa tapat ng tutoran niya. Nang mahatid ko na si Merri ay saktong dumating ang service ko. Sumakay na ako dito. At siyempre, katulad ng mga nasa teleserye, nag one last look ako sa kanila. Nakita ko namang nakatingin siya sa direksyon kung nasaan ako kaya medyo AWKWARD. Buti na lang, hindi bumagal oras nung mga panahong yon. Gusto ko na kasi umuwi eh! END.
Comments
Post a Comment