Hugot Pa More (Love Advices)
Pick a number and read :)
Baka eto na ang hinahanap mong solusyon sa mga kinikimkim mong problema. Mamili lang ng number from 1 to 15 at basahin ang nakatalaga na advice dito. Yeah. Enjoy!
Kung ayaw niyo naman mamili ng number, magkusa na kayo at basahin lahat ng nasa ibaba. Hihihi.
- Kung magmamahal ka na rin lang, piliin mo naman yung taong alam mong tatanggapin ka kahit ano ka pa. Hindi naman kasi porket gwapo o maganda, eh, siya na ang pwede mong mahalin. Mayroon din namang mga tao diyan na kahit hindi naman gaano kagandahan o kagwapuhan eh, panalo naman sa ugali tsaka sa pakikitungo sa iba.
- Alam mo na ngang nagmumukha kang tanga, bakit mo pa pinagpapatuloy 'yang ginagawa mo? Ilugar mo naman kasi yung pinaglalaban mo. Minsan kasi, may pinaglalaban ka pero hindi ka naman pinaglalaban pabalik. Eh 'di, ikaw pa luge.
- Magpahinga ka muna. Baka marami ka na kasing pinagdadaanan at dinadagdag mo pa 'yang love life na 'yan. Sa totoo lang, hindi mo naman kailangang madaliin ang buhay pag-ibig kasi kusa naman 'yan darating sa tamang panahon at kung kailan handa na kayo pareho.
- Fight lang kung kaya pang ipaglaban. Pero kung ikaw na lang rin naman ang lumalaban, sumuko ka na. Kasi sa huli, ikaw rin ang magmumukhang tanga. Lumalaban sa isang away na sa huli, ikaw rin ang masasaktan.
- Learn from your mistakes. Kung minsan ka na rin naman niyang niloko, bakit mo naman siya babalikan? Porket uso ang second chance, bibigyan mo siya ng isa pang pagkakataon? Eh papaano kung sayangin rin niya yung second chance na yon dahil hindi siya seryoso? Eh di third chance? O, pagkatapos? Fourth? Fifth? Sixth? Pahinga muna, 'te. Mahina ang puso. Baka biglang atakihin *knock on wood*.
- There's more to life than love. Of course, kailangan ng mundo ng pagmamahal. Pero hindi naman ibig sabihin no'n, kailangan mo na kaagad nung intimate love. Pwede namang magsimula kasi muna sa friendship, 'di ba?
- Palawakin mo muna ang circle of friends mo bago mo masabi na he's da one or she's da one. Kasi, malay mo naman, biglang may dumating na iba at lumawak ang circle of friends niya. Pero ikaw, iwan lang sa sulok habang hindi namamalayan na may paparating rin pala para sa'yo. Tinaguan mo lang kaya 'di kayo nagkatagpo.
- Go for it! Mahal mo siya, mahal ka niya. There's no stopping you both! Pero tandaan palagi na 'wag puro puso. Gamitin rin naman ang utak kasi kung puro puso, ang puso lang ang masasaktan. At least kapag may kasamang utak, mas headache kaysa heartache.
- Hindi ka na niya mahal. Tanggapin mo na lang 'yon. Mahirap rin naman kasi yung pinagpipilitan mo sarili mo sa isang taong ayaw na sa'yo. Magmumukha kang desperada kapag ipagpapatuloy mo 'yan. Eh 'di ikaw pa nagmukhang masama, 'di ba?
- Don't waste your time sa isang taong manhid at walang pakielam sa'yo! Kung wala siyang pakielam sa'yo, make the feeling mutual. Hindi porket nadedevelop ka sa kanya eh, tuluyan ka nang mahuhulog. Kapag nahulog ka na.. Aba! Ibang usapan na 'yan.
- Kung may mahal na siyang iba, alamin ang salitang pagpaparaya. Kailangan mo siyang pakawalan kasi alam mong doon naman siya sasaya. Ang importante lang naman kasi sa taong nagmamahal ay masaya yung taong minamahal niya. Miski hindi siya kasama doon sa kasiyahan na naidudulot sa taong mahal niya.
- Kapag ang lalaki ay naglaho ang feelings para sa babae, wala ka na magagawa dahil kapag ang lalaki ang nagdesisyon para sa sarili niya, there's no turning back. Hindi kagaya ng mga babae na kapag sinabing ayaw na niya ngayon, bukas makalawa, nagbabago ang desisyon.
- May mga taong hahadlang sa relasyon ninyo pero.. Pake ba nila? Hindi naman sila involved sa relasyon ninyo, hindi sila dapat makisawsaw. Kung sakali man na ikaw ang nagpapasawsaw sa kanila sa relasyon ninyo, hindi dapat ganon. Kung ano problema ninyo, kayo lang dapat ang maghanap ng solusyon. Hindi yung umaasa ng solusyon sa ibang tao.
- Alam naman natin na mayroong kahit konting katiting na ugaling "possessive" ang mga tao. Lalo na ang mga nagmamahal at in a relationship. Pero, to be honest, kailangan ninyong i-establish ang trust sa isa't isa para hindi magselos dahil may kasamang iba. Kung kaibigan lang naman kasi kasama niya, magseselos ka kaagad, eh di magkakaroon kayo ng malaking problema. Na kailangan na namang pag-awayan. Na kailangan na namang hanapan ng solusyon.
- Hindi porket nagsabihan na kayo ng "I love you" ay kayo na. Kagaya ng lahat sa buhay, kailangang dumaan 'yan sa isang maingat at mapanuring proseso. Kasi, malay mo naman, nabigla lang kayo sa isa't isa kaya nasabi niyong "Mahal kita". Hindi naman kasi natin alam ang mga pangakong nabibitawan natin kapag nabitawan natin.
Comments
Post a Comment