Para kay Kuya M (Blog Edition)

Pampawala ng Broken Heart
Sabi nila, nakakamatay na rin daw ang pagiging broken-hearted. Buti na lang nakahanap ako ng cure. Ano ang cure na sinasabi ko? Ewan ko kung gagana sa inyo pero gumana kasi sa'kin eh. Nagsimula ang lahat nang ako'y magising...



Hindi pa ako bumabangon ay bigla akong na-excite dahil bigla kong naalala na ngayon na pala ang booksigning ni Kuya Marcelo Santos III sa SM Manila. Pagkadilat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Daddy na nakabihis ng pang-alis at si Mommy sa sofa sa loob ng kwarto. "Anung oras na?", tanong ko kay Mommy. Sinabi naman niya na maaga pa naman daw. Tinanong ko kung napa-book bind na ba yung libro na ginawa ko para kay Kuya Em. Sabi naman ni Daddy na dadalhin na nga daw niya ito sa lugar na nagbu book bind para tanungin kung pwede ba ito matapos sa umaga na yun. Napabuntong-hininga ako. Nanatili akong kalmado kahit na naisip kong baka hindi ma- book bind ang librong ibibigay ko kay Kuya Marcelo.

Maya-maya ay nagbukas muna ako ng Twitter at nag tweet nang maraming beses na excited na nga ako pumunta mamaya sa book signing ni Kuya Em. Hindi ko mapigilan ang tuwa ko dahil makikita ko na ang idol ko sa personal. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa kung ano ang maaari kong sabihin, gawin at iba pa (kahit na alam kong makakalimutan ko rin naman lahat ng ito pagdating ko sa harap ni Kuya Em). Naghanap rin ako ng tshirt na black dahil sabi ni Kuya Em na mag-black or white daw pagdating sa book launching bilang pagtutol sa pagtaas ng tuition fee next school year. Nang handa na ako sa mga bagay ay bigla na nagtext si Daddy kay Mommy. Hindi daw mabu book bind ngayon ang librong ibibigay ko kay Kuya Em. Agad kong naisip na butasan na lang ang gilid dito at lagyan ng fastener o ribbon. Naisip naman ni Mommy na lagyan ito ng ala-push pin na parang fastener (hindi ko alam kung ano tawag). Pumayag ako dito at nang nakabalik na si Daddy ay sinimulan ko na itong butasan at lagyan nung push pin something na parang fastener.



Matapos ang marami pang pangyayari na naganap, binalutan ko ng cellophane ang ibibigay ko na regalo kay Kuya Em. Nilagyan ko ito ng maliit na note sa likod at ng ala-rose na ribbon sa harap. Nilagay ko ito sa bag ko pati na rin ang 'Para sa Hopeless Romantic' na libro din ni Kuya Marcelo. Sinabay ko na rin ang wallet ko na kung saan nakapaloob ang pambayad ko sa bagong libro ni Kuya Em na 'Para sa Broken Hearted' sa book launching mamaya. Naligo na ako't lahat. Nagbihis na ako ng itim at nag-ayos ng sarili.

Nang paalis na kami ay na-traffic kami nang matagal kung kaya't nakatulog ako sa kotse. Matapos ang mahaba kong tulog, nagising ako at nasa highway pa din kami. Nagtataka ako dahil halos dalawang oras na kami na nagbibiyahe ngunit wala pa rin kami sa aming destinasyon. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsabay sa mga awitin sa radyo. Paulit-ulit lang rin naman ang mga kanta sa radyo. Kung ano ang tinugtog kanina bago ako matulog.. "Price Tag", "Love on Top", "Count on Me", "Beautiful Girl" etc.. Yun din naman ang narinig ko pagkagising ko. Halos araw araw na nga yata nila pinapatugtog yang mga kanta na yan eh. Feeling ko, every hour of every day nila tinutugtog ito. Countdown version ng radyo, kumbaga. Matapos madaanan ang traffic sa Binondo ay nakarating na rin kami sa SM Manila.

Hindi pa kami nagpapark ay bumaba na kami sa first floor para pumunta na agad sa National Book Store kung saan magaganap ang book signing.

Pagkadating namin dito ay nakita na namin ang dagat ng maraming tao. Halos lahat sila ay may hawak na libro ni Kuya Em na 'Para sa Broken Hearted'. Nilapitan kami ng isang empleyado ng NBS at tinanungan ni Mommy ito kung ano ang gagawin namin. Sinabi nito na bibili muna ng libro at tsaka mag reregister doon sa may mesa bago ang dagsa ng maraming tao. Agad kong hinanap at nakita ang shelf kung saan punong puno ng mga kopya ng 'Para sa Broken Hearted' at hindi nagdalawang isip na kumuha ng isang kopya. Dali-dali akong pumunta sa cashier para bayaran ito at pumunta sa registration. Nang nasa registration na ako ay tinanggalan ko ng plastic ang libro ko. Nilagyan nila ito ng maliit na blankong sticky note sa harap at ng isang sticker na nakasulat '413' na ang ibig sabihin, ako ang pang 413th person na magpapabook sign kay Kuya Em. 413th?! And ongoing pa?! Nakakapagod yun! Abutan kaya ako? Mapapirma ko kaya ito? Sabi naman ng host, masisiguro daw nila na mapipirmahan ang lahat ng libro ni Kuya Marcelo.

Nang nakaluwag luwag na ang mga tao dahil sa sunod sunod na pagpirma nito, nakita ko na ang tarpoline na nakalagay 'Para sa Broken Hearted'. At nakita ko na rin si Kuya Em. Pagkakita ko sa kanya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay na-lovestruck ako nang walang anu-ano. Ang gwapo pala niya sa personal! Ang bait pa niya! Nakikita ko siya na nakikisalimuha sa mga taong nagpapasign sa kanya. Naramdaman ko kaagad na tama nga ang desisyon ko na maging idol ko siya. Paglaki ko, gusto kong maging katulad niya.



Nang nawala na ang mga tao sa gilid ay sumingit kami dito para makita nang mas malapitan si Kuya Em. Tinititigan ko lang siya habang sunod-sunod niyang pinipirmahan ang mga libro, niyayakap at kinakausap ang mga nagpapapirma sa kanya. Mas naeexcite tuloy ako na makausap at makaharap siya.. Lalo na't ibibigay ko ang regalo ko sa kanya.

Nagtagal kami dito hanggang 6 PM. Pagdating ng mga oras na ito ay ako na ang nakapila sa gitna. Malapit na akong magpasign kay Kuya Em. Nang dumating na ako sa harap niya, agad niyang pinirmahan ang libro ko. Matapos niya ito pirmahan, binigay ko ang libro na ginawa ko para sa kanya at sinabi ko, "Ginawa ko po para sayo.." at sinabi niya sa akin, "Wow!" habang napangiti siya sa akin. Dinagdag rin niya, "Picture tayo!" at nagpakuha na nga ako ng litrato. Habang kinukuha ko na ulit ang libro ko, kinakausap niya ako. Ito ang sinabi niya sa akin, "Uy, thank you ah! Nice meeting you". Medyo nahiya na ako at nginitian ko siya sabay lakad paalis. Nang nakaalis na ako ay bigla akong napanganga at naisip sa sarili: HINDI AKO NAKAHUG SA KANYA. Bigla akong nagsisi dahil nakausap ko na nga siya at nakapagpapicture na PERO hindi ko siya nayakap. :( On the positive side, naisip ko rin naman na okay na rin yun. At wala rin akong masyadong nasabi sa kanya.. Pero mababasa naman niya yun sa libro na binigay ko sa kanya at sa mga follow up na Tweets ko sa kanya. Matapos ang isang buong araw ay hindi pa rin matanggal sa bibig ko ang ngiti ko na abot tenga halos.


At the same time, nag-aalala rin ako kay Kuya Em dahil sigurado akong pagod na pagod na siya sa kakasign at kakangiti sa bawat picture at tao na makakasalimuha niya. Sana naman, makapagpahinga siya nang maayos mamayang gabi. Yun lang naman ang hinihiling ko. Hihi! Kinikilig na ako masyado. Bye. Haha. Congrats ulit kay Kuya Em sa bago niyang libro. Sana magkaroon siya ng mas marami pang mapupublish na libro at magkita ulit sana kami.. Sa tamang panahon. :)



Comments

Popular Posts