Kwentong Pag-ibig ni Manang Shi

Kwentong Pag-ibig ni Manang Shi presents:
Ang walang kwentang kwento na ito...

"Ano na naman 'to?!"
A Twist of Fate


Sa isang barkada, mayroon isang matalino. Meron din namang isang green-minded. At meron din isang palaging nagpapakaemo kahit na hindi naman. At sa isang barkada na yun, mayroon ding isang babae na nagngangalang Vanilla Ice Cream. Oo. Ang gara nga ng pangalan. Parang pagkain. Actually, hindi parang eh.. Talagang pagkain! At sino nga ba itong Vanilla na ito? Walang iba kung 'di ako!

Of course, formal introduction muna bago ang lahat! Hello po. Ako si Vanilla Ice Cream. Kung bakit ganun ang pangalan ko ay hindi ko rin po alam. Isa akong normal na estudyante na kailanman ay hindi naghahangad ng masamang kinabukasan. Mabuti akong estudyante. Pero siyempre, paminsan-minsan rin naman ay pilya akong tao lalo na kung kasama ko ang barkada ko! Ta's shy type naman ako sa harap ni Someone Special. And, yes! May someone special ako. Literal na Someone Special talaga ang name niya! (Pagbigyan niyo na. Gwapo naman eh). And speaking of Someone, nagkaroon na naman kami ng twist of fate ngayong araw na 'to.

Kasama ko kasi ang barkada ko ngayong araw at pumunta kami ng McDo (in which, sira ang aircon kaya ang init). Nagkukulitan lang kami ng mga kaibigan ko doon at yung iba, kumakain. Ayun.. Happy life! Eh, nakatalikod ako sa hagdan paakyat sa second floor ng McDo kaya lahat sila napanganga nung dumating si Someone. Ako naman, hindi ko alam pero lahat sila, nakatingin kaya tumingin na rin ako! And nandun nga siya! Ako naman, binalewala ko lang. Baka kasi makahalata e. Kasama niya yung isa niyang kaibigan at umupo sila sa isang table na hindi kalayuan sa table namin. Siyempre, ako, dedma lang. Dedma rin naman siya. Dedmahan lang kami don. Hanggang sa mamaya, umalis na sila. At napabuntong hininga na rin ako sa sobrang relief. At siyempre, dahil napakasupportive ng barkada ko, dedma lang rin sila sa nangyari. Kaya happy life pa rin kami!


THE END

Comments

Popular Posts